Munting Ngiti Hakbang ng Kinabukasan Pag-asa 2- A community Outreach Program 2014

Sabi nga nila ang edukasyon ay susi ng ating taumpay, lahat tayo ay nag daan sa pagkabata at nag – aral sa eskwelahan kung saan malapit lang sa ating bahay o di naman kaya ay may kalayuan.  Maswerte ang mga batang nakakapag aral, ngunit paano yung hinde? Paano yung pinagkaitan ng biyaya na ang kanilang mga magulang ay kahit anong kayod ay kulang padin para makaipon sa kanilang pag papa – aral, sakto lang sa pang araw –  araw na pagkain para sa kanilang mag anak.

Ako at ang grupo namin ay mga simpleng mamumundok lamang sa ibat – ibang parte ng lugar, kami ay madalas na nagagawi sa parte ng Rizal at Bulacan.  Dito kung saan ang madaming naninirahan at sila ay aming mga kakwentuhan habang kami ay umaakyat papunta ng Mt. Maranat sa lugar ng Norzagaray Bulacan.

Si Marvin at Rosie ay isa lamang sa mga bata na aking nakilala sa Rodriguez Rizal, kinamusta ko ang kanilang pag-aaral sinagot naman nila ako ng maayos at matyaga silang nag aaral sa araw-araw, ngunit kapag araw ng biernes ay di na sila pumapasok tinanong ko naman kung bakit, sila raw ay mag tatrabaho na lamang, para sa araw ng lunes sila naman ay may pambaon hanggang huwebes, alam ko na sa sarili ko kung ano ang kanilang mga trabaho kapag araw ng biernes sila ay mga nagbubuhat ng uling na nangagaling sa taas ng bundok o di naman kaya ay dalawang sakong uling para pantawid sa kanilang pag aaral.  Matapos naming mag-usap umalis na ang mga bata at ako naman ay napatingin sa napakalawak na kabundukan ng Sierra Madre at duon ay nagtatanong, gaano pa kaya kayo tatagal sa pakikipagbaka na wag maubos ang inyong mga kapunuan at sa kalangitan naman ako ay napatingin paano na po ang mga batang ito na sa murang edad palang ay kanila ng binubuhay ang kanilang sarili.

Naisip namen magkakaibigan na tumulong sa paraan na aming makakaya.  Eto na, pinagsama – samang pwersa ng aming kaisipan binuo namen ang aktibidades na ito para sa mga bata ng Rodriguez Rizal na sa amin ay talagang napamahal na.

Sa tulong ng mga kaibigan din na umaakyat ng kabundukan ay nagbigay ng mga pambili ng school supplies, tsinelas, tumbler, bowl, used clothes na may pambata at pang matanda na din, mga libro na inilagak sa library ng eskwelahan.

Nsa baba po nito ang mga ilang larawan na aming mga ginawa.

Munting Ngiti Hakbang ng Kinabukasan Pag-asa 2! A community Outreach Program 2014

Libro para sa Library galing kay Sir Fredd Ochavo 

          10308390_768643143167143_7892393736468082057_n

    Re-packing the school supplies  with matching used clothes on the side kasama ng ating mga matulungin na participants. 

                                  Part 2

      Tumbler mug and mickey mouse bowl and Dora slippers from Mrs. Chua

                 Thank you so much for extending your help to our beneficiary.

Outreach 2

Thanks to Sir Alvin Pasco for the tumblers .. headbands for the girls .. mini notepads and i.d. holder ;D

aa

San Isidro Elementary School – Annex

1

Ate Bebang our one of the MC that day! ( nakikinig lahat ng bata sa kanya)

ss

view from the stage of the school

sss

grade 3 students

zz

Dumagat Kids ( from Dumagat tribe in Mt. Oriod Sierra Madre)

dd

pila na papunta sa classroom

Part 21

Nagpapasalamat ang aming grupo sa malaking bahagi ng Green Peace Philippines na pinamumunuan ni Ma’am Lyca Cuya, at sa Ggupo ni Sir Jerry Lingaat mga kasama nya sa Chinese General Hospital, Sir Mayo Espirito na galling pa ng Mindoro para lamang po ipaabot ang kanyang tulong sa mga bata salamat din sayo Sir Mayo sa ginawa mong Blog patungkol sa aktibidad na ito. Sa grupo ni Sir Isagani na isang mabuting guro sa Kolehiyo at ang kanyang mga kaibigan. At sa bawat indibidual na tumulong hinding hinde kayo makakalimutan ng mga batang inyong tinulungan at ganun din po ang Sagip Kagubatan Inc.

Location: San Isidro Elementary School (Balagbag, Rodriguez Rizal)

Words and Images Copyright by: Pinaybyaheras 2014

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s